Keep the fire burning: 12 Years of Making Science and Technology Serve the People!

Posted on April 2, 2011 by

1


Agham Youth 12th year anniversary celebration

I remember…

Tatlong taon na ba ang nakalipas Niel?
Isa ang aking klase sa Geol 11 ang ginawa naming “focus class”.

Isa itong pamamaraan ng Agham Youth para ipakilala ang org sa mga estudyante, mag-discuss ng mga napapanahong issue (tulad ng TOFI, Oil price hike, Mining..etc.), at magbigay ng mga educational discussions.

Sa ganitong paraan, bukod sa mga natututunan ng mga estudyante sa Geology, naimumulat sila sa mga isyu at tunay na kalagayan ng ating lipunan. Nagkakaroon din ng ‘koneksyon’ and mga miyembro ng AY na tumututok sa klase.
Di kalaunan, may mga magpapahayag ng gustong pagsali.

Sina Jay-el, Steph, Bryan at Jess ay mga produkto ng focus class na pinangunahan ni Niel. Syempre laht ng AY mems ay nainvolve din. 🙂

At mula noon, naging aktibong myembro ang mga chem kids na ito (si Jess kasi ay naging busy sa Physics at si Bryan ay nagshift?). Later on sumali sina Macring, Roms, French, Dang…at madami pang iba. Walang duda, madami kayong naging ambag sa AY para isulong ang S&T para sa bayan. Mula sa pagdidikit ng mga posters, sa pag-o-organize ng mga forum at ACLE, sa pagiging serbidora sa cultural nightt, ang panganagmpanya para sa ating mga kandidato, ang pagpapawis para sa volleyball at amazing race at syempre ang pagbubuwis ng dangal para lang hindi maging olats sa hexameet, at syempre ang pagyayaya ng iba pang kaibigan at kailala na sumama sa AY…at kung ano anu pa!!

Napakadami nating tagumpay sa mga nakalipas na taon at ito ay dahil sa inyo na walang sawang nagbigay ng panahon at pagmamahal sa AY. Subalit, madami pa rin tayong gagawin para maging ganap na mapakinabangan ng sambayanan ang agham at teknolohiya. Ang ating adbokasiya na sya namang pangunahing nagbibigkis sa atin.

Parang kelan lang .. ngayon ay gagradweyt na ang marami sa inyo. Para sa gagradweyt, wag kayong malungkot kasi
1. Mamimiss namin kayo,
2.Maitutuloy nyo pa rin ang page-SnT for P nyo dahil nandyan ang ating AGHAM (welkam to the tanders category)!,
3. We (AY) will stay connected with u (solicit sa pakain etc.) 🙂

Para sa mga maiiwan:
1. Kelangan na natin magparami ulit.
2. Mag-aral mabuti
3. Magpaka-aktib sa AY! 🙂

Para sa lahat.

Keep the fire burning!

Nagmamahal,

Diwata

_____

Si Diwata, o Miss Catherine Abon ay miyembro ng AGHAM Youth, nagtuturo ng Geol 11, Geol 40 at Natsci 2, at gagradweyt na sa kanyang MS Geology sa National Institute of Geological Sciences UP DIliman. Ang thesis niya ay modeling for flood hazard reduction sa Bicol. Oha, siyentistang naglilingkod sa sambayanan talaga!

Advertisements